^

Punto Mo

‘Pala’ (PART 19)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAKAPAGPUNDAR nang maraming negosyo ang aking father na naging daan para siya yumaman. Naipasa niya ang negosyo sa aking mga kapatid. Sa akin, pawang mga lupain ang naipamana niya. Marami rin akong bahay at lupa dito sa Maynila. Ang kayamanan ng aking ama ay nagtuluy-tuloy pa hanggang. Sa kanyang mga apo. Talagang ang nagdulot sa kanya ng suwerte ay ang napulot niyang shovel,’’ pagkukuwento ni Mam Socorro.

“Nasaan na po ang shovel, Mam?’’ tanong ko.

“Bago namatay ang aking father sa edad na 100, pinagbilin niya na isama sa kanyang kabaong ang shovel. Balutin daw ng puting tela at itabi sa kanyang katawan. Ganun ang aming ginawa.”

“Napakaganda po pala ng story ng father mo, Mam.”

“Oo Juanito. Ang kanyang pag-asenso ay utang niya sa misteryosong shovel. Pero madalas niyang sabihin, kahit may dalang suwerte ang shovel, lalo siyang naging masipag, masikap at matipid. Hindi raw porke at may suwerteng dala ang shovel ay titigil na sa pagtatrabaho—lalo siyang nagsikap.”

Napatangu-tango ako bilang pagsang-ayon. Katulad ng father ni Mam, lalo pa akong magsisikap at magpupunyagi.

(Itutuloy)

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->