^

Punto Mo

Basketball game sa georgia na tumagal ng 5 araw, nakapagtala ng World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Naging kahanga-­hanga ang determinasyon ng isang grupo ng kalalakihan sa Georgia, U.S.A. matapos silang maglaro ng basketball nang walang tigil sa loob ng 121 hours and 3 ­minutes, para makamit ang Guinness World Record!

Ang marathon game ay pinangunahan ng grupo mula sa Atlanta na Men Opposing Sex Trafficking (MOST) at ginanap ito sa gym ng Landmark Christian School.

Dalawampu’t tatlong manlalaro, edad 17 hanggang 64, ang lumahok sa basketball marathon game.

Sa loob ng mahigit limang araw, hindi sila lumabas ng gym kahit pa sa kanilang break time. Sa pagtatapos ng laro, lumabas ang score na 13,096 kontra 12,972.

Bukod sa bagong record, may mas ma­laking dahilan ang kanilang sakripisyo dahil ang pondong nalikom mula sa laro ay ilalaan para labanan ang human trafficking at tumulong sa mga biktima ng pang-aabuso.

LANDMARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->