^

Punto Mo

EDITORYAL — Mahal ang bigas, mura ang palay!

Pang-masa
EDITORYAL � Mahal ang bigas, mura ang palay!

SA Marso 31, ipatutupad na ang bagong maximum suggested retail price (MSRP) sa bigas na nagkakahalaga ng P45 bawat kilo. Ayon kay Agriculture Secre­tary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagbabawas ay dahil sa pagbaba ng presyo ng imported na bigas sa world market at sa paglakas ng piso. Sa kasalukuyan, ang pina­kamababang presyo ng bigas sa pamilihan ay P49 bawat kilo at ang pinakamahal ay P65 per kilo.

Mahal pa rin ang MSRP na P45 per kilo ng bigas. Marami pa ring mahihirap na Pilipino ang iiyak dito lalo na ang mga kakarampot ang kinikita. Ang mga jeepney at tricycle drivers na kumikita ng P300 ay limang kilong bigas lang ang mabibili. Saan sila kukuha ng iuulam na tuyo o sardinas?

Nang ibaba ni President Ferdinand Marcos Jr. ang taripa para sa imported na bigas, inasahang bababa ang presyo ng bigas. Pero sa halip na bumaba, lalo pang tumaas ang presyo. Sa halip na makakain nang husto ang mga mahihirap, lalo pang nagsalat—kanin lamang ay hindi pa kayang mapunan ang kumakalam na sikmura.

Noong Enero, sinabi ni Tiu Laurel na hindi dapat umabot sa P65 kada kilo ng imported na bigas sa mga palengke. Ayon sa kanya, kapag umabot sa ganito kataas na presyo, maliwanag na may profiteering. Noon niya sinabi ang balak na MSRP system. Makikipagpulong raw siya sa rice importers at retailers para maipatupad ang MSRP. At sa Marso 31 nga magkakaroon ng katuparan ang P45 per kilo na MSRP ng bigas. Pero hindi nga ito masasabing mababa o abot kaya ng mga mahihirap na mamamayan.

Ang pinaka-ideyal na presyo ng bigas na maaabot ng mahihirap ay P35 per kilo. Ang ganitong presyo ang inaasahan ng mamamayan. Hindi na sila naghahangad pa ng P20 per kilo na ipinangako ni President Ferdinand Marcos noong campaign period na itinuturing nang isang bangungot.

Isang dahilan kaya hindi bumababa ang presyo ng bigas ay dahil sa sabwatan ng mga gahamang rice importers at negosyante. Kaya hindi maibaba ang presyo (kahit P35 per kilo) ay dahil patuloy pa rin ang sabwatan ng mga ganid na rice importers at traders.

Dapat din namang itigil ang importasyon ng bigas habang nasa panahon ng anihan. Saan naman nakakita na nag-aani ang mga lokal na magsasaka ay bumabaha naman sa merkado ang imported na bigas. Hindi dapat mangyari ito. Dahil dagsa ang bigas, mura rin na naibebenta ng mga magsasaka ang kanilang aning palay na umaabot lamang sa P15 per kilo. Mahal ang bigas subalit kapag ibinibenta ang palay ay napakamura. Lubhang kawawa ang mga magsasaka sa nangyayaring ito.

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->