^

Punto Mo

Ang itlog ng demonyo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

HIRAP sa buhay si Mira kaya pumayag agad ito nang paki­usapan siya ng kanyang guro sa public high school, na dalawang linggo muna itong maging baby sitter sa anak nitong dalawang taong gulang. May importanteng nilakad lang ang yaya sa pro­binsiya nito.

Dagdag pa rito, summer vacation naman at ang kikitain nito ay malaki ang maitutulong sa budget ng  pamilya.

Sa unang araw pa lang ay naramdaman niyang may kabastusan ang mister ng kanyang guro. Alam niyang sinadya ng manyak na mister na pasimple nitong daklutin ang kanyang puwet.

Ginitgit siya kunwari habang nakatalikod siyang naghuhugas ng pinggan gayong ang lawak naman ng space sa kusina. Nang lingunin niya ay nakangising nag-sorry ito na parang demonyo.

Noon din ay nag-text siya sa kanyang ina at nagsumbong. May instruction na sinabi ang kanyang ina na dapat niya gawin: Nakawin ni Mira ang nagamit na brief ng mister at iuwi nito sa kanilang bahay. Mabilis naman itong nagawa ni Mira dahil kapag natutulog ang kanyang alaga ay pinaglalaba siya ng guro.

Isang araw ang nakalipas pagkatapos ibigay ni Mira sa ina ang ninakaw na brief ay biglang nagkasakit ang bastos na mister. Isang umaga ay nagising sila sa malakas na hiyaw nito. Agad tumawag ng ambulansiya ang guro. Isinakay ito sa stretcher dahil hindi raw makalakad.

Narinig niya sa dalawang lalaking staff ng ospital, lumaki raw ang betlog ng mister na kasinglaki ng tennis ball. Ilang araw na-confine sa ospital ang mister. Nang iuwi ito sa bahay ay tapos na ang kontrata ni Mira. Hudyat na rin ito sa ina ni Mira na ibalik na sa normal size ang betlog ng demonyo

Hindi na rin nagbalik ang yaya na hinalinhan niya. Ayon sa Marites na katulong ng kapitbahay ng guro, nagkunwari lang itong may aasikasuhin sa probinsiya pero ang totoo ay hindi na ito babalik sa sobrang takot  sa among manyakis. Pinakiusapan si Mira ng guro na magyaya ulit pero ina nito ang kumausap sa guro para tumanggi.

DEMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with