^

Punto Mo

Mayang (172)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI raw inaasahan ni Mam Araceli ang magiging bisita ng araw na iyon. Sabado at walang pasok sa school. Nagpapahinga raw siya sa salas nang may tumawag mula sa labas. Wala naman daw siyang inaasa­hang bisita. Wala rin siyang inaasahang darating na mga estudyante.

“Nagmamadali raw siyang tinungo ang bintana para tingnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya ang isang babae. Hindi niya kilala. Siguro raw ay halos kasing-edad niya ang babae. Maganda.

“Lumabas siya para kausapin ang babae. Baka magtatanong lang o mayroong iaaalok na produkto o encyclopedia na karaniwang usong ibenta noon.

“Nang makalapit daw siya sa babae ay tinanong agad niya kung ano ang kailangan nito. Nagpakilala raw ang babae. Cynthia raw ang pangalan. At ang mga sumunod na tagpo ay nagpagulat daw kay Mam Araceli.

“Sinabi ni Cynthia na siya ang biyuda ni Manuel. Nakiusap daw si Cynthia na pakinggan siya kahit sandali sapagkat mayroon lang siyang ipagtatapat. May kaugnayan umano kay Manuel.

“Dahil propesyunal at may malawak na pag-iisip, pinaunlakan umano ni Mam Araceli ang kahilingan ni Cynthia. Pinapasok niya ito sa bahay at pina­kinggan ang pagtatapat. Malinaw at detalyado ang pagtatapat ni Cynhia.

“Ako ang may kasalanan kung bakit nagkaroon kami ng relasyon ni Manuel at naganap ang hindi sana naganap. Ako ang nagpakita ng motibo at gumawa ng mga paraan para siya mahulog sa akin,” sabi ni Cynthia sa nanginginig na boses.

“Inanyayahan ko siya sa inuupahan kong bahay sapagkat kaarawan ko. May apat na kaibigan akong inimbita pero matapos ang salu-salo ay umuwi na ang mga ito. Nagpapaalam na rin si Manuel subalit pinigilan ko. Sabi ko, maaga pa naman at wala na akong makakausap. Wala akong kasama sa bahay. Sabi ni Manuel mayroon pa raw siyang pupuntahan—magkikita yata kayo ng araw na iyon.

“Pero pinigilan ko. Ginawa ko ang lahat para hindi siya makaalis.

“Isang masarap na imported na alak ang inilabas ko. Pero sabi ni Manuel, hindi siya umiinom. Sabi ko,kaunti lang naman. Pinilit ko siya. Sabi ko pagbigyan na niya ako dahil kaarawan ko naman.

“Binuksan ko ang alak. Nagsalin ako sa dalawang baso. Pinilit kong uminom si Manuel. Ininom naman niya. Halatang hindi siya umiinom dahil gustong masuka.

“Pero dahil desidido ako na maging akin siya, napilit kong uminom uli siya.

Habang iniinom niya ay nakangiti ako nang lihim. Malalasing si Manuel at matutupad ang aking balak…  (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->