^

Punto Mo

‘Pala’ (Part 17)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

NAGPATULOY si Mam Socorro ng pagkukuwento tungkol sa shovel o pala na napulot ng kanyang ama noong matapos daw ang World War II. Napulot daw ito sa pampang ng ilog. Ang shovel ay gamit ng mga sundalong Amerikano. Tinitiklop ang shovel. Nang matapos ang giyera, may mga sundalong Kano na ipinagkaloob ang shovel sa mga Pilipino na naging kaibigan nila. Marami raw ang nakatanggap ng shovel.

“Nasa pampang ng sapa ang shovel na napulot ng aking ama. Suspetsa ng aking ama, nalimutan iyon ng sundalong Kano nang tumawid sa sapa. May kalaliman ang sapa kaya maaring naghubad ang sundalo. Ayon pa sa aking ama, may katagalan na sa pampang ang shovel dahil may bakas na ng kalawang sa handle. Kaya naman naghinala ang aking ama na Amerikanong sundalo ang nakaiwan ng shovel dahil may mga bakas ng combat boots sa pampang.

“Ayon sa aking­ ama, habang bitbit niya ang shovel pauwi ay kinakabahan siya. Baka raw may makasalubong siya at pansinin ang shovel at akusahan siyang magnanakaw. Pero awa raw ng Diyos ay wala siyang nakasalubong na tao habang pauwi.

“Nang makita raw ng kanyang mga magulang ang bitbit niyang shovel ay labis ang pagtataka ng mga ito. Saan daw niya kinuha ang gamit na iyon na pag-aari ng U.S. Army. Ikinuwento ng aking ama ang mga pangyayari at naunawaan siya ng mga magulang.

“Ayon sa aking ama, mula raw nang mapasakamay niya ang shovel, nagkasunud-sunod na ang pagdating ng suwerte.”  (Itutuloy)

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with