Pinaka-eksaktong orasan sa mundo, ibinebenta ng $3.3-M!
INILUNSAD ng kompanyang Shimadzu Corp. sa Japan ang isang optical lattice clock na sinasabing pinaka-eksaktong orasan sa mundo!
Ang orasan na tinawag na Aether Clock OC 020 ay mas accurate nang 100 beses kumpara sa kasalukuyang cesium atomic clocks at tatagal ng sampung bilyong taon bago magkamali ng isang segundo.
Mukhang maliit na refrigerator ang disenyo nito, ngunit gamit ang advanced na teknolohiya, maaari itong magamit sa pagsubaybay sa lindol, paggalaw ng crust ng earth, at iba pang siyentipikong pananaliksik.
Isa rin itong unang commercial optical lattice clock na madaling ilipat at hindi nangangailangan ng komplikadong pag-aayos.
Nagsimula nang kumuha ng order ang Shimadzu para sa orasan, na may presyong $3.3 milyon (P186 milyon) bawat unit.
May isa nang nakabili nito, at target ng kumpanya na makapagbenta ng 10 unit sa loob ng tatlong taon, kung saan inaasahang mga research institutions ang magiging pangunahing mamimili.
Ang Aether Clock OC 020 na pinaka-eksaktong orasan sa mundo.
- Latest