Malabon ex-mayor Oreta, biktima ng demolition job!

HINDI na bago ang smear campaign, demolition job at black propaganda tuwing magkakaroon ng elections sa Pinas. At ang paboritong target ay ang mga pulitiko na nangunguna sa survey o may mga accomplishments na nakaukit sa isipan ng kanyang mga constituents. ‘Ika nga liyamadong mananalo.

At dahil malapit na ang 2025 midterm elections, t’yak magsusulputan na naman ang gibaan at wala na ‘atang katapusan ito dahil kinagiliwan na ng mga pulpol na pulitiko. Sa kasamaang palad ang unang tinamaan ng gibaan ay si Antolin ‘Lenlen” Oreta III, ang dating mayor ng Malabon City at sa ngayon ay nangungunang congressional candidate sa Lone District ng siyudad. Araguyyy!

Kaya lang, mukhang wa epek ang black propaganda laban sa liderato ni Oreta dahil nakaukit na sa isipan ng taga-Malabon ang sangkaterbang magagandang proyekto niya na malaki ang naitulong sa pag-unlad ng siyudad. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy si Oreta, inulan na siya ng samu’t saring imbentong black propaganda mula sa kampo ng kalaban n’ya sa pulitika, na mukhang takot sa pagbabalik niya sa pamlublikong serbisyo. Sanamagan!

Gayunpaman, mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng taga-Malabon dahil alam nilang naiiba ang serbisyo ni Oreta noong mayor pa siya. At nitong Marso 15, lalong pinaigting ang well-planned na serye ng paratang laban kay Oreta nang magsampa ng kaso sa Ombudsman ang isang e-trike driver.

Inakusahan nito si Oreta ang nasa likod ng pagkawala ng mga e-trike na milyones ang halaga. Hindi naman totoo ang bintang na ito subalit nakaaapekto sa imahe ni Oreta, kapag magsimula na ang kampanyahan sa local officials sa Marso 28, di ba mga kosa? Ano pa nga ba? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nakahanda naman ang kampo ni Oreta na sagutin ang mga paratang na ito dahil ayon kay election lawyer Atty. Chael Niño Santiago, bahagi lamang ito ng malawakang smear campaign na iniumang ng kanyang kalaban. Aniya, magkakaroon pa ng sunod-sunod na akusasyon na ang layunin ay sirain ang kredibilidad at tiwala ng mga botante, o mamamayan kay Oreta. Dipugaaa! Ayon kay Santiago, hindi natitinag si Oreta sa mga patutsadang ito dahil kilala siyang isang lider na nagpakita na dati ng dedikasyon at malasakit sa Malabonian. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa?

Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang mayor, nakilala si Oreta bilang tagapagtaguyod ng mga proyektong nakatulong sa paglago at pag-unlad ng lungsod. Sal-it!

Ilan sa mga programa ni Oreta na nagdala ng pagbabago sa Malabon noong mayor pa siya ay ang pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan, pag-aalaga sa mga marginalized na sector at pagpapalakas ng edukasyon para sa mga kabataan. Eh di wow!

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipatupad ang mga makabagong proyekto tulad ng modernisasyon sa mga pampublikong pasilidad at ang pagkakaroon ng malinis at maayos na komunidad. Dahil sa kanyang accomplishments, nakikita ng mga Malabonian si Oreta bilang isang lider na may malasakit at layuning magbigay ng tunay na serbisyo sa mga tao, kaya’t siya ang paboritong kandidato nila sa pagka-kongresista.

Samantala, pinayuhan naman ni Oreta ang mga Malabonian na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga pekeng balita at mga paninira na walang dalang pakinabang sa mamamayan. Sanamagan! Abangan!

Show comments