Training ng paramedics, palalakasin ng TESDA!
MARAMING buhay sana ang naisalba mula sa heart attack at vehicular accidents kung nabigyan lamang ang mga biktima ng agarang lunas bago pa sila madala sa pinakamalapit na ospital. Subalit sa kasamaang palad, ang Pinas ay salat sa mga tinatawag na paramedics na may kasanayan sa emergency response services.
Kaya ang mga Pinoy sa mahabang panahon ay nangangarap na lamang na magkaroon ng emergency services katulad ng sa ibang bansa. Subalit ngayon ang pangarap nating yan ay mabibibgyan ng katuparan dahil sa kauna-unahang pagkakataon, meron ng maituturing na professional paramedics ang ating bansa.
Noong Lunes, ginawaran ng Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA) ng certification ang 85 doctors, nurses at ibang health workers matapos silang sumailalim sa matinding 35-day advanced paramedic training mula sa R.A. Fernando School of Healthcare and Technology.
Mismong si TESDA Dir. Gen. Francisco Benitez ang gumawad ng certificate sa mga graduates na kinabibilangan ng aking mga pinsang doctor na sina Dr. Antonio Garcia at Dra. Rosalina G. Lingad. Sabi nga ni Koyang Doc Teegee, sila ay bahagi na ng history ng pre-hospital services bilang unang batch ng professional paramedics sa Pinas. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Naniniwala si Benitez na napakahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming parademics ang bansa kung kaya nakipagtulungan siya sa R.A Fernando School of Healthcare and Technology para maisulong ang paramedic course. Binigyan diin ni Benitez na ang program ng R.A. Fernando ang unang paramedic course na rehistrado sa TESDA sa Pinas.
“It is clear to everybody that there is a need for professionalizing and ensuring that we have a baseline for the skills and technical capacity for emergency response,” ayon kay Benitez. Idinagdag pa ni Benitez na ang mga paramedics ay may kakayanang magbigay ng higit pa sa first aid na serbisyo, tulad ng intubation para sa mga taong inaatake sa puso at nahihirapang huminga. Ang kakulangan ng oxygen sa loob ng katawan mula pito hanggang 10 minuto ay nakamamatay.
Kaya dapat talaga naman ang mga professional paramedics dahil nabanggit nga ni Benitez na numero uno ang heart attack sa dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy bukod pa sa tumataas na kaso ng vehicular accidents sa Pinas. Itinuturing din na disaster-prone ang Pinas, kaya’t tumpak lang na may sapat na paramedics ang bansa. Mismooo!
“With the skills you learned from the training, you have the power to preserve life. But with the power is the responsibility to provide quality emergency medical service,” ang bilin ni Benitez sa mga bagong paramedic graduates na inaasahang magtuturo at magbibigay ng kasanayan sa iba pang Pinoy na gustong maging paramedics.
Ayon kay Marylou Fernando, pangulo ng R.A. Fernando School of Healthcare Technology plano nilang magbukas ng two-year paramedic course sa mga high school graduates at ibang may interest na kumuha nito ngunit walang medical background. Dipugaaa!
Tunay na kapuri-puri ang programang ito na pinangako naman ni Benitez na kanyang palalawakin. Sana’y dumami pa ang mga taong katulad ninyo Secretary Benitez Sir! Mabuhay ka! Abangan.
- Latest