^

Punto Mo

Antigong ambulansya sa U.S., bumiyahe ng 5,100 kilometro para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG lumang Cadillac ambulance mula 1972 ang matagumpay na bumiyahe nang mahigit 5,100 kilometers mula Hollywood, California, patungong Hollywood, Florida, para magtala ng bagong Guinness World Record!

Ang kakaibang road trip na ito ay isinagawa ng grupo mula sa Symbiosis Ambulance at Axene Continuing Education, isang organisasyong nagsusulong ng emergency medical services (EMS) education.

Sinimulan ng grupo ang kanilang paglalakbay noong Marso 1 at natapos noong Marso 10. Layunin nilang ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng tamang pagsasanay sa EMS.

Opisyal namang kinumpirma ng isang adjudicator mula sa Guinness World Records na ang 5,206-kilometrong biyahe ng ambulansya ang pinakamahabang distansiyang nilakbay ng isang ambulansya sa kasaysayan.

Para sa perspektiba, ang distansiyang ito ay halos katumbas ng layo mula Aparri, Cagayan hanggang General Santos City nang pabalik-balik ng dalawang beses!

Sa pagtatapos ng kanilang misyon, nagdaos pa ang grupo ng libreng EKG training session kasama ang mga bumbero at emergency responders sa Hollywood, Florida, isang patunay na hindi lang basta biyahe ang kanilang ginawa, kundi isang kampanya para sa mas ligtas at mas epektibong serbisyong pang-emergency!

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with