^

Punto Mo

‘Kuwago’ (Part 13)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG petshop ang napuntahan ko nang malibang sa paglalakad sa isang malaking palengke sa Baclaran. Damit sana ang bibilhin ko pero nawili ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa tindahan ng mga ibon at iba pang hayop. Noon ko nalaman na may ganun palang tindahan sa loob ng palengke.

Nagulat ako nang makita ang mga ibinibentang sari-saring ibon. Ang alam ko bawal magtinda ng mga ibon na tinatawag na endangered o yung nanganganib nang maubos. Pero may nakita akong mga ibon doon na lantarang binibenta kahit bawal. Siguro ay hindi pa natutuklasan ng mga awtoridad mula sa DENR.

Isa sa nakita kong ibon ay ang kinatatakutan kong kuwago.

Nasa hawla ang kuwago at napansin kong kakaiba ito kaysa mga kuwago na ina­lagaan ng pinsan ko at inaanak. Sa tingin ko, imported ang kuwago. Kakaiba ang balahibo nito na makintab na puti. Mas maamo ang itsura ng kuwago.

Ang mga kuwago na nakita ko na ay mababagsik ang itsura at masyadong malalaki ang mga mata na parang nagbabadya ng kamalasan.

Aywan ko kung bakit naakit pa akong pagmasdan ang kuwago gayung may takot ako sa ibong ito. Hindi ko maipaliwanag ang nadama habang pinagmamasdan ang kuwago.

Hanggang sa makarinig ako ng sigawan at pagkaka­gulo. Nagtatakbuhan ang mga tao.

“Magtago kayo! May hinahabol na holdaper ang mga pulis!”

Para akong tuod na hindi makakilos sa kinatatayuan dahil sa matinding takot!

(Itutuloy)

OWL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad