^

Punto Mo

EDITORYAL — Police visibility

Pang-masa
EDITORYAL � Police visibility

MARAMING krimen na nangyayari ngayon at nababahala ang mamamayan. Kahit sa araw at may nakakakita, sumasalakay ang mga holdaper. Walang takot kung hablutin ang bag ng naglalakad na babae. May mga holdaper na basta lalapitan ang kasalubong na bibiktimahin at walang anumang tututukan at kukunin ang cell phone at pera. Walang anumang mag­lalakad palayo ang holdaper na parang walang nangyari. Wala namang pulis na sumasaklolo.

Modus ng mga holdaper at snatcher ngayon na mag­motorsiklo o riding in tandem. Susundan ang bibiktimahin at saka hahablutin ang bag o cell phone. Mara­ming kasong ganito sa Sampaloc area pero walang na­­aaresto. Paulit-ulit ang pambibiktima sa mga empleyado ng call center na gabi o madaling araw kung umuwi. May mga estudyanteng nabibiktima na walang magawa kundi ipagpasa-Diyos na lamang ang sinapit.

Ang mga kawawa ay ang hinoldap na ay pinatay pa. Walang mahingian ng tulong ang mga kawawang bik­tima. Walang makitang pulis na nagroronda lalo sa gabi. Paano makakaresponde ang mga pulis na nasa malamig na police station at inaatupag ang pagsi-cell phone.

Wala na ang panahon na nag-iikot ang PNP chief sa mga police station at sinisigurong ginagampanan ng mga pulis ang tungkulin sa mamamayan. Naglaho na ang pa­nahon na ang PNP chief ay sorpresang dadalaw sa mga presinto para manghuli ng mga tutulug-tulog na pulis.

Pangarap na lang ang pagkakaron ng PNP chief na nararamdaman ang pangangailangan ng mamamayan sa oras ng panganib. Kailan kaya magkakaroon ng PNP chief na ang paglilingkod ay nasa puso at hindi pangsarili lamang.

Daming nangyayaring krimen at maaaring dumami pa kung hindi kikilos ang PNP. Maraming baril na nakakalat na ginagamit para maghasik ng lagim. Hindi lamang sa Metro Manila, umaalagwa ang krimen kundi pati sa probinsiya. Wala nang takot ang mga criminal ngayon. Malalakas ang loob. Nalalaman marahil nila na walang pulis na nagbabantay sa kalye. Alam nilang walang nagroronda. Alam nilang nasa loob ng malamig na istasyon ang mga pulis—natutulog o nagti-text?

Habang dumarami ang krimen, pinalawig naman ng apat na buwan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang termino ni PNP chief General Rommel Marbil. Maglilingkod hanggang Hunyo si Marbil. Sana sa ibi­nigay na extension kay Marbil, ipag-utos niyang magkaroon ng pulis sa lansangan upang maproteksiyunan ang mamamayan.

Police visibility ang kailangan. Kapag may pulis, mata­takot ang mga criminal. Mapapanatag ang kalooban ng mamamayan.

POLICE VISIBILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->