^

Punto Mo

Mga Pilipino, sinasalaula na ng pulitika

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KINAKAPA ko ngayon sa mga kababayang Pilipino ang alab ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kinagisnang kaugalian. Ang pagiging bukas palad sa sinumang lumalapit ay nagbunga nang masamang alamat. Naging mapagbigay, hanggang sa mamulubi!

Sa Philippine History book na lamang mababasa ang magagandang ginawa ng mga ninunong namuno sa bansa. Ang ayuda ay nagmumula sa lakas ng mamamayan upang maging kalakasan ng isinusulong na mamumuno sa bayan. Hindi tulad ngayon na ang “ayuda” ay ginawang “limos” na hinuhugot sa kaban ng bayan. Ninanakawan pa!

Naglipana ang mga benipisyaryo ng Persons “Without” Disabilties (PWD), Ayaw Kumilos At Palamunin (AKAP), Tusong Panloloko sa Ating Dispalinghadong (TUPAD) gobyerno na inimbento ng mga pulitiko para salaulain ang dangal ng bawat Pilipino.

Tuwing may eleksiyon noon ay bumabaha ng pera mula sa mga kandidato, ngayon ay bagyo ang dating ng mga ayudang nagmumula sa pondo ng bayan. Libre gastos na sa kampanya at malamang may sobra pa!

Noon, kapag malapit na ang eleksyon ay ipinagagawa ng mga pulitiko ang mga sirang kalsada. Ngayon, ay ginigiba ang maayos na kalsada para kumita sila. May “karma” ‘yan mga Sir!

Ibi­nibili ng mga pulitiko ang pera ng bayan ng mga ambulansya at nakatatak ang mga pangalan nila. May burial benefits pa silang ibinibigay. Eh bakit hindi sila bumibili ng karo ng patay at lagyan din ng pangalan nila? Patay kang bata ka!

Sinisiraan nila ang mga kalaban nila, samantalang magkakatulong sila na i-programa ang pera ng bayan para paghati hatian nila. Totoo di ba? Hmmm!

Kinakalap ng barangay captains ang listahan ng malalaking pamilya. Ginagawa nilang empleyado sa barangay ang ilan sa kanila. Pagdating ng eleksiyon, siyempre coordinators na sila with extra pay pa!

Kaway kaway din si Kapitan kasama ang kandidato kapag nag-house to house na si kandidato. Bawal yaannn!

POLITICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->