^

Punto Mo

‘Kuwago’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 8)

“MARAMI na akong nabalitaan at nabasa na malas alagaan ang kuwago, Karla,’’ sabi ko habang nakatingin sa hawla na kinakukulungan ng kuwago.

“Hindi ko alam, Marian. Basta dumating si Danny na dala yang hawla na may kuwago. Regalo raw ng ka-tropa niya.’’

“Hindi sa nananakot ako, Karla pero alam mo ba nang umuwi ako sa probinsiya noong nakaraang taon, may alaga ring kuwago ang pinsan ko. Pero nagkasakit ang asawa niya at biglang namatay. Namatay din ang kuwago ng araw na yun.’’

Napatitig sa akin si Karla. Parang may gumapang na kilabot sa katawan.

“Paano ang gagawin ko sa kuwago Marian?’’

“Sabihin mo kay Danny na malas alagaan ang kuwago. Ibigay niya sa zoo o kaya’y pakawalan sa bundok.”

“Magagalit yun, Marian. Masamang magalit si Danny.’’

“Hindi mo mapapakiusapan?’’

“Hindi Marian… baka…’’

“Baka ano?’’

“Baka saktan ako. Wala nang pinakikinggan yun lalo na kung naka-shabu!’’

Shock ako sa sinabi ni Karla.

“Nagdodroga si Danny?’’

“Oo, Marian at hindi lang nagdodroga kundi pusher pa.’’

Hindi ako nakapagsalita. Natigilan ako.

Nakita kong lumuha si Karla.

Awang-awa ako sa kanya. Hindi na ako bumanggit ng tungkol sa kuwago.

Nang magpaalam ako, binigyan ko ng perang panggastos ang kaibigan ko. Damang-dama ko ang bigat ng dinadala niya sa buhay.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with