^

Punto Mo

EDITORYAL — Hustisya sa Pinay na pinatay sa Kuwait

Pang-masa
EDITORYAL — Hustisya sa Pinay na pinatay sa Kuwait

TANONG sa Department of Migrant Workers (DMW): Ano na ang nangyari sa minarder na OFW sa Kuwait na si Dafnie Nacalaban? Makakamit na ba ang hustisya?

Disyembre 31, 2024 nang matagpuan ang naaagnas na bangkay Dafnie, 35, sa bakuran ng kanyang amo sa Kuwait. Subalit ang nakapagtataka, wala nang balita kung ano na nangyari sa kaso ng OFW. May nanagot na ba sa pagkamatay ni Dafnie. Nasa kulungan na ba ang itinuturong killer ni Dafnie?

At ang isamg malaking tanong ngayon, ipagpapatuloy pa ba ang balak na deployment ban ng OFWs sa Kuwait dahil sa nangyari? Ano ang hakbang ng DMW sa kaso ni Dafnie.

Una nang sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na naaresto na ang suspect sa pagpatay kay Dafnie. Ayon kay Cacdac, ang suspect ay nakilalang si Jarrah Jassem Abdulghani, amo ni Dafnie. Ayon sa report ang kapatid na lalaki ng suspect ang nagturo kung saan matatagpuan ang bangkay ni Dafnie. Nanilbihan umanong domestic worker si Dafnie noong Disyembre 2019.

Biglang nawala ang balita kay Dafnie at nawalang parang bula rin ang balak na deployment ban ng OFWs sa Kuwait. Sinabi ni Cacdac na ipagbibigay alam umano niya kay President Ferdinand Marcos Jr. ang balak na deployment ban ng OFWs sa nasabing bansa. Hindi na nasundan kung ano ang tugon ni Marcos sa balak na suspendihin ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait.

Tinatayang 215,000 ang OFWs sa Kuwait at 60 percent ng mga ito ay nagtatrabahong domestic workers. Ang Kuwait ang ikaanim na bansa na hantungan ng mga Pilipino para magtrabaho. Bagamat nakatutulong sa bansa ang remittances ng OFWs sa Kuwait, masyado namang delikado ang kanilang kalagayan sapagkat marami ang napapahamak. Napatunayan ito sa mga sunud-sunod na pagkamatay ng mga Pinay domestic workers. Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, maraming Pinay workers na ang pinatay.

Kabilang sa mga pinatay na Pinay domestic workers sina Jullebee Ranara, Joanna Demafelis, Constancia Dayag at Jeanelyn Villavende. Karumal-dumal ang ginawa kay Ranara na matapos gahasain ng tinedyer na amo ay pinatay at sinunog ang bangkay. Si Demafelis, makaraang patayin ng amo ay inilagay sa freezer.

Noong 2023, nagkasundo ang Pilipinas at Kuwait sa proteksiyong ipagkakaloob sa OFWs. Lumagda ang Kuwait na pangangalagaan ang karapatan ng OFWs particular ang domestic workers. Subalit hindi tinupad ng Kuwait.

Nararapat nang itigil ang pagpapadala ng OFWs sa nasabing bansa. Kailangang umaksiyon ang DMW ukol dito. Ang total deployment ban ang makapipigil sa walang tigil na pagpatay sa mga kawawang Pinay workers sa Kuwait.

OFW

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with