^

Punto Mo

‘Kuwago’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Alaga n’yo ba ang kuwago na nakatali sa bintana, Minda?’’ tanong ko habang nakatingin sa kuwago.

“Oo Marian. Bakit pinsan?’’

“Hindi naman sa tinatakot kita Minda, pero malas ang nag-aalaga ng kuwago.’’

Nanlaki ang mga mata ni Minda. Hindi makapaniwala.

“Totoo ba ang sinasabi mo Pinsan?’’

“Hindi kita pinipilit maniwala o tinatakot kaya, pero marami na akong nabasa na nagdadala ng malas ang kuwago.’’

“E hindi ko alam Marian.”

“Saan galing ang kuwago?’’ tanong ko.

“Nahuli ni Rommel—ng mister ko sa bukid. Inalagaan namin mula nun.’’

“Kanina, di ba sabi mo e maysakit si Rommel?’’ tanong ko.

“Oo Marian. Biglang nanghina ang katawan. Tapos hindi na siya makabangon.’’

Napailing-iling ako.

“Dalhin mo sa ospital—ipa-check-up mo.’’

“E, wala akong kapera-pera, pinsan.’’

Dumukot ako sa pitaka at binigyan si Minda ng P5,000.

“Salamat Marian.’’

KINABUKASAN, isang masamang balita ang natanggap ko—patay na ang asawa ni Minda na si Rommel.

(Itutuloy)

KUWAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->