^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakatatakas ang mga alagad ng batas

Pang-masa
EDITORYAL - Nakatatakas ang mga alagad ng batas

HINDI makaahon ang Philippine National Police (PNP) sa kinalulubugang kumunoy sapagkat inilulubog ng mga mismong miyembro nito. ­Marungis ang imahe kaya mababa ang pagtanggap ng mamamayan. Kawawa ang PNP sa kabila na may mga pinuno at miyembro na tuwid sa paglilingkod sa bayan at sa mamamayan.

Ang pagkakasangkot sa illegal na droga ng mga opisyal at miyembro ng PNP ang isa sa mga dahilan kaya bagsak ang imahe ng organisasyon. Maraming opisyal ang napatunayang sangkot sa recycling ng shabu. May mga tinatawag na “ninja cops”. Gawain ng mga “ninja cops” na magsubi o magtago ng droga na kanilang nakukumpiska. Hindi nila dinideklara ang totoong nakumpiskang droga.

Ang mga naitagong droga ay ire-recycle. Ibabalik sa kalye para ibenta muli. Ang gawaing ito ng “ninja cops” ang itinurong dahilan kaya hindi maubos ang shabu sa kabila na halos araw-araw ay may mga nakukumpiska. Paikut-ikot ang shabu at hindi nauubos.

Ang pinakamalaking “drug haul” sa kasaysayan ay ang P6.7 bilyong shabu na nakumpiska sa Tondo, Maynila noong Oktubre 8, 2022. Nasa 990 kilo ng shabu ang nakuha sa pag-iingat ng pulis na si MSgt. Rodolfo Mayo ng Police Drug Enforcement Group ng Manila Police Disrict.

Subalit maraming pulis ang sangkot sa pag-cover up nang nasamsam na droga, kabilang ang dalawang general at 30 nilang tauhan. Naaresto na ang 20 pulis samantalang hinahanap pa ang 10. Ang nakapagtataka, nakalabas ng bansa ang isa sa general. Kinumpirma ito mismo ng tagapagsalita ng PNP. Ang isa sa mga general na sangkot ay hindi naman malaman kung nasa kustodiya ng PNP o nakalalaya pa.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Jean Fajardo, Enero 8 pa nakalabas ng bansa ang hindi pinangalanang police general. Ayon kay Fajardo, hinihintay na lamang ng PNP ang prosekusyon na humiling ng hold departure order laban sa mga pulis na at large, upang hindi makalabas ng bansa.

Bakit ngayon lang ginawa ang paghiling ng hold departure order sa mga inaakusahan? Dahil mabagal kumilos, nakagawa ng paraan na makalabas ng bansa ang isa sa police general. Paano pa hahabulin ang nakalabas?

Katulad din ito nangyari sa ginawang paglabas sa bansa ni dating police colonel at PCSO Royina Garma na nagtungo sa U.S. at hanggang ngayon ay wala nang balita. Inaakusahan si Garma na “utak” sa pagpatay sa PCSO official.

Kung sino ang naatasang magpatupad ng batas ang lumalabag. At sila rin ang gumagawa ng paraan para matakasan ang nagawang kasalanan. Nasaan ang batas?

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->