^

Punto Mo

Health tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

• Sa pagtulog, hindi magandang huminga sa bibig. Mas mainam pa rin na huminga sa ilong. Mas mahimbing ang tulog kung sa ilong hihinga at ng gumaganda ang structure ng panga.

• Naiiwasan ang mga skin issues kagaya ng eczema, acne kung malinis ang bituka. Ang regular na pagdumi araw-araw at pag-inom ng sapat na tubig ay palatandaan na malinis ang bituka.

• Dumarami ang digestive enzyme kung laging kakain ng mapait na gulay kagaya ng ampalaya. Kung sagana sa digestive enzyme, mabilis matunaw ang lahat ng kinakain kaya regular ang pagdumi.

• Paglalakad nang nakayapak ng 15 to 30 minutes per day sa loob ng bahay o sa madamong bahagi ng bakuran o park. Nakakalakas ito ng muscle sa paa at nakaka-improve ng iyong balanse sa paglalakad.

• Kumain ng high-protein foods kagaya ng itlog at yogurt sa umaga upang maiwasan ang pagtatakaw ng unhealthy foods sa buong maghapon.

• Mag-cold shower sa loob ng 30 seconds to 1 minute para gumanda ang circulation ng dugo at lumakas ang resistensiya.

• Uminom ng tubig bago magtanghalian o hapunan, at least isang baso o hanggang kala­hating litrong tubig. Nakakapagpabilis ito ng metabolism kaya maiiwasan ang sobrang pagtaba.

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with