^

Punto Mo

Mayang (124)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGHAIN muli ng pagkain si Mayang para kay Lolo Nado. Napansin ni Mayang na parang napagod ang matanda dahil sa pagbitbt ng mga pasalubong. Mabigat ang ube at kamote na dala ng matanda. Nakadama siya ng awa dahil sa kagustuhang magpasalubong sa kanya ay nagdala kahit mabigat.

“Kumain ka po nang marami Lolo Nado,” sabi ni Mayang.

“Nagutom nga ako Mayang.’’

“Mabigat po kasi ang dala mo.’’

“Kasi gusto kong matikman mo ang tanim kong ube at kamote. Napakatamis ng kamote na yan at ang ube naman ay perpekto para sa halaya.’’

“Salamat po Lolo. Sige kain ka lang po.’’

“Bukas pa sana ako pupunta rito pero parang may nagbubulong sa akin na ngayon na pumunta. Kaya maagang-maaga ay nagtungo na ako rito.’’

“Tamang-tama naman po dahil nga may mga taong kahina-hinala na sumusubaybay sa akin.’’

“Sino ang mga taong yun?’’ tanong ng matanda.

“Mga sindikato po na naipakulong ni Jeff. Nakatakas po sa kulungan at ako ang hinahanap para gantihan.’’

“Ang mga agimat na binigay ko, dinadasalan mo?’’

“Opo Lolo Nado. Katunayan, ginamit ko na ang latigong bagin at nagtakbuhan po ang dalawang lalaki na nagtangkang pumasok dito. Nilalagari nila ang gate nang bigla akong lumapit—naamoy yata nila ang bagsik ng latigong bagin.’’

Napatangu-tango ang matanda.

Kinublit ni Mam Araceli si Mayang. “May agimat ka Mayang?’’ tanong nito.

“Opo Mam. Bigay ni Lolo.’’

“Mabuti. May panlaban tayo sa mga masasamang loob,’’ sabi ni Mam.

“Naniniwala ka sa agimat, Mam?’’

“Oo. Meron din ako—binigay ng aking ama bago siya namatay.’’

Napanatag si Mayang sa sinabi ni Mam.

Nang matapos silang kumain, kinausap ni Mayang si Lolo Nado.

“Dito ka po muna, Lolo Nado. Samahan n’yo muna kami. Natatakot kami sa mga taong nagbabalak nang masama sa akin.’’

Pinakiusapan din ni Mam Araceli si Lolo.

“Samahan mo po kami Lolo.’’

“Oo. Dito muna ako. Hindi ko kayo iiwan.’’

Nakahinga nang maluwag si Mayang at Mam Araceli.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->