^

Punto Mo

‘Kuwago’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

SUMMER ng 2018, nagbakasyon ako sa aming probinsiya. Matagal din akong hindi nakauwi dahil subsob ako sa trabaho. Dalaga pa ako.

May bahay pa kami sa probinsiya na ang nakatira ay ang aking pinsang lalaki na may asawa at dalawang anak. Matagal na ring nakatira sa aming bahay ang aking pinsan—mula nang mamatay sina Tatay at Nanay.

Tuwang-tuwa ang aking pinsang si Rodel nang bigla akong dumating.

“Bakit hindi ka man lang nag-text na darating ka Marian. Sana nakapaghanda ng paborito mong mga pagkain.’’

“Okey lang Pinsang Rodel. Sinadya ko talaga na huwag ipagsabi na darating ako. Baka maging kaabalahan ako sa inyo.’’

“Ikaw talaga Marian—abala ba yun e dapat ka nga naming ipaghanda dahil libre kaming nakatira dito sa bahay n’yo.’’

“Wala yun Pinsan.’’

“Teka at ibabalita ko sa ibang pinsan natin na narito ka.”

“Huwag Rodel. Ako na lang ang dadalaw sa mga pinsan natin. Sosorpresahin ko. May ibibigay akong regalo sa kanila.”

“O sige Marian.”

Kinabukasan, pinuntahan namin ang pinsan kong babae na si Minda.

Pero sa pag-akyat ko sa bahay nila, nagulat ako dahil may nakataling kuwago sa bintana. Alaga nila. Hindi maganda yun!

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->