• Mas mainam na huwag balatan ang mansanas bago kainin dahil mas marami pang sustansiya na makukuha sa balat.
• Sa halip na pakuluan, pasingawan na lang ang broccoli. Nawawala ang sustansiya nito kung pakukuluan.
• Kung kakain ng pakwan, solo mo lang itong kainin at huwag samahan ng iba pang prutas. Mas mabilis ma-digest ang pakwan sa tiyan kung walang kasama.
• Mas mabuting lutuin ang kakaining kamatis kaysa kainin ito nang hilaw. Lalong lumalabas ang lycopene kapag niluluto. Ang lycopene ay mainam sa puso.
• Kapag nakakaramdam ng pagod, kumain ng saging.
• Pampakinis ng kutis ang pipino.
• Carrots ang pampalinaw ng mata.
• Kumain ng salmon kapag nananakit ang mga kasu-kasuan.
• Walnuts ang mainam kung nahihirapan kang mag-focus sa ginagawa o pagre-review.
• Kainin ang mga sumusunod kung nahihirapan kang makatulog: salmon, pistachio, almonds, brazil nuts, kasuy, tuna.
• Ang dark chocolate ay mas mayaman sa iron at antioxidant kaysa spinach.
• Ang egg yolk ay may vitamin D na importante sa bone health.
• Kung oily ang skin, kumain lagi ng mansanas.
• Kumain lagi ng papaya kung tinatagihawat.
• Avocado ang kainin kung may psoriasis.
• Kung dry ang skin, pakwan ang kainin.