^

Punto Mo

Mayang (122)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAWAGAN ni Mam Araceli ang inaanak na police colonel. Ang colonel ang nakahuli sa mag-live-in na sina Puri at Henry makaraang kidnapin si Jeff. Si Mam Araceli ang komontak sa inaanak kaya madaling nahuli ang dalawa. Matagal na palang hinahanap ang magka-live-in dahil sa maraming kaso kabilang ang pagkidnap at pagpatay sa balikbayan at OFWs na may malaking pera.

Habang kinakausap ni Mam Araceli si Col. Buenviaje ay nagluto ng pagkain si Mayang. Dito muna titira si Mam dahil sa pakiusap niya. Hindi nila kaya ni Jeffmari na mag-isa. Natatakot siya. Kahit pa may mga agimat na pinagkaloob si Lolo Nado, mas panatag siya kung may kasama sa bahay. Mas nakakapag-isip siya ng mga gagawin kung may kasama.

Eksaktong natapos siya sa pagluluto ay natapos din ang pakikipag-usap ni Mam Araceli kay Col. Buenviaje.

“Nakausap ko na si Colonel, Mayang,’’ sabi ni Mam.

“Ano po ang sabi niya?”

“Patungo na raw sila rito. Nakatanggap daw siya ng info na narito na sa Pinamalayan ang dalawang takas!’’

“Diyos ko! Tama nga ang sabi ni Jeff na ako ang balak na gantihan.”

“Ayon kay Colonel, armado ang grupo at maaaring hindi pahuhuli nang buhay. Maari raw na mga tauhan ni Henry at Puri ang mga sumira sa gate ng bahay mo.’’

“Ano po ang gagawin natin?’’

“Huwag daw tayong lalabas ng bahay. Manatili tayo at parating na sila.’’

“Mabuti na lang at walang pasok sa school si Jeffmari,’’ sabi ni Mayang.

“Nasaan nga pala si Jeffmari?’’

“Nasa kuwarto po at natutulog.’’

“Sabihin mo na huwag lalabas.’’

“Opo Mam. Halika po at kumain muna tayo.’’

Nagtungo sila sa kusina. Naghain si Mayang.

Kumain sila.

Nang may maramdaman silang tao sa gate.

Kinabahan sila. (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with