^

Punto Mo

‘Ahas’ (Part 15)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DALAWANG kuwarto ang kinuha namin sa pinuntahang resort. Magkasama kami sa kuwarto ni Cora. Ang kuwarto na inukopa ni Romano ay katabi lamang ng kuwarto namin ni Cora.

Maganda ang resort. Bukod sa may swimming pool ay mayroon ding umaagos na na napakalinis na tubig mula sa bundok. ­Napakasarap maligo sapagkat maligamgam ang tubig.

Sa sobrang sarap maligo ay halos wala na kaming ahunan. Iyon ang unang pagkakataon na nakaranas kaming maligo na sobrang sarap at walang pagkasawa.

Bukod sa napakaganda ng lugar, masarap din ang ino-offer na pagkain sa resort. Iyon marahil ang dahilan kaya dagsa ang mga guest ng resort na galing Maynila.

Huling araw namin sa resort. Pero kung kailan kami pauwi na ay saka naman biglang sumama ang pakiramdam ni Romano. Para raw lalagnatin. Wala naman kaming baon na gamot.

Nagpaalam ako kay Cora na bibili ng gamot sa botika. Kailangang gumaling si Romano.

Makaraan ang may kalahating oras ay nagbalik ako dala ang gamot.

Tiwala kong tinulak ang pinto ng kuwarto ni Romano.

Shock ako sa nakita.

Magkapatong sa kama sina Romano at Cora!

(Itutuloy)

SNAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with