Mas gusto ng mga demonyitong pulitiko na maghikahos tayo!

NASA bingit nang malaking gulo ang buong mundo at maaring kasangkapanin na naman ng mga naghaharing bansa ang Pilipinas hinggil sa usapin sa West Philippine Sea kasabay ng iringan ng Taiwan at China.

Nakakapangilabot isipin na bagama’t nanganganib na ­madamay tayo sa sigalutan nang malalaking bansa, nakatutok pa rin ang Kongreso at Senado sa pondo ng bayan na ang malaking bahagi ay nakasentro sa demonyitong pamumulitika. Pwe!

Wala ni isa man sa mga tumatakbong kandidato ang tumatalakay sa banta ng kahirapan, bagkus lalo pang pinaghihirap ang mamamayan dahil sa kanilang pagsasamantala sa kaban ng bayan. May mainit na AKAP naman daw para sa mahihirap.

Lantaran ang kawalan ng delikadesa ng mga pulitikong tinalo pa ang mga tipaklong sa paglundag sa political party ng administrasyon para makasalo sa luho. Mga pulitikong kung laitin ang pamilya Marcos noon ay suko sa langit. Ayks! As in AICS? Bumabalato lang po.

Hindi naman masama ang political dynasty kung naging tagapagpalago at nakapagpaganda ng kanilang nasasakupan. Huwag naman ‘yung pamilyang nagungurakot lang. Andami na nila!

Hindi rin masama kung artista ang kumakandidato, basta may kakayahan at may sapat na talino sa tungkuling inaasinta. Hindi ‘yung umarte lang ang alam at Ombudsman at Sandiganbayan ang kahahantungan. Di ba?

Malaking bahagi rin ang pagkakawatak-watak ng mga kristiyano dahil sa pulitika. Noon ay lantaran ang naging panawagan ng Simbahang Katoliko na dinaluhan din ng mga pulitiko para makiisa sa EDSA Prayer Rally na naging People Power Revolution. Okey naman ‘di ba?

Nang manawagan kamakailan ang Iglesia ni Cristo ng Rally for Peace sa Luneta ay hindi na ito tinantanan ng panlalait. Hindi na tama ‘yan! Ang Pilipinas ay bansang malaya para pumili kung anong relihiyon ang sasaniban. Amen po ba?

Show comments