Food facts (Part 2)

• Ang dalawang itlog per day ay katumbas ng 30 minutong pagpapaaraw sa umaga na nagdudulot ng Vitamin D na ­kailangan ng ating katawan.

• Ang pagkain ng isang dakot na almonds ay equivalent ng kalahating basong gatas na parehong nagbibigay ng equivalent amount ng calcium.

• Mas maraming Vitamin C ang Kiwi kaysa oranges.

• Ang steamed spinach ay mas maraming iron kaysa isang manipis na slice ng beef steak.

• Ang tatlong pirasong Brazil nuts ay nagbibigay ng selenium na kailangan per day ng katawan. Ang selenium ay nakakapagpababa ng tsansa na magkaroon ng cancer. Mainam din ito upang manatiling healthy ang male and female reproductive system.

• Ang kalahating avocado ay mas maraming potassium kaysa isang buong saging.

• Ang isang pirasong kamote ay may taglay na Vitamin A na kailangan mo sa isang araw.

• Ang pinya ay may bromelain na tumutulong upang maging mabilis ang pagtunaw ng pagkain sa bituka.

• Maraming tubig ang cucumber kaya nakagaganda ito ng kutis.

• Ang papaya ay may papain na nakakapagpatunaw ng pagkain at iniiwasan nitong maging butusin (bloating) ang tiyan.

• Ang yogurt ay mayaman sa protina na may kasamang probiotic para manatilimg healthy ang bituka.

• Ang malunggay ay mayaman sa vitamins, protein at potassium. Nagpapababa ito ng blood sugar, nililinis ang atay at pinananatiling malusog ang utak.

Show comments