‘Ahas’

(Part 14)

MAGANDA naman si Cora. Seksi. Kayumanggi at makinis. Pero nagtataka ako na wala yatang balak mag-asawa. Magpapakatandang dalaga yata. At saka ang sabi—baka raw hindi na mag-asawa. Bakit kaya? Sayang naman ang ganda niya.

Patuloy naman ang relasyon  naming ni Romano. Hindi pa naming pinag-uusapan ang pagpapakasal. Wala pa sa aming plano ang pagbuo ng pamilya. Gusto pa naming magsawa sa buhay bilang single.

Kapwa maganda ang aming mga trabaho. Na-promote agad ako bilang branch manager ng isang malaking banko na ang opisina ay nasa Ayala Avenue.

Si Romano naman ay engineer isang malaking construction firm. Malaki ang sahod.

Si Cora ay naging supervisor sa ­malaking drug company na ang tanggapan ay nasa Ortigas.

Madalas pa rin kaming magkasamang tatlo sa mga happenings, pamamasyal at pag-out of town. Talagang hindi kami mapaghiwalay.

Masaya kami.

Tanggap ko na hindi kami ­magkakasarilinan ni Romano dahil kay Cora.

Hanggang sa dumating ang pang­yayaring yun.

Nag-out of town kami. Sa isang magandang resort kami nagtungo. Hindi ko akalain dun magtatapos ang lahat.

(Itutuloy)

Show comments