Fitness influencer sa China, nakapagtala ng bagong Guinness Record sa pull-ups
ISANG 44-anyos na fitness influencer sa China ang humakot ng papuri matapos magtagumpay sa kanyang world record attempt na makuha ang Guinness World Record para sa pinakamaraming pull-ups sa loob ng isang minuto.
Nakamit ni Xie Ting ang rekord matapos niyang makagawa ng 44 pull-ups sa loob ng isang minuto.
Tinalo niya ang dating record na 39 pull-ups na naitala ni Inga Simning, isang atletang Amerikano noong 2022.
Sa kabila ng kanyang tagumpay, nananatiling mapagpakumbaba si Xie at sinabi niyang may puwang pa para mahigitan ang sariling record.
“Bagamat nakamit ko ang world record, naniniwala akong kaya ko pang pagbutihin ito. Sa susunod, mas dadamihan ko pa ang aking pull ups,” ani Xie sa Guinness World Records.
Ang tagumpay na ito ay nagbigay-inspirasyon hindi lamang sa mga kababaihang atleta kundi pati na rin sa mga fitness enthusiast na maghangad ng mas mataas na mga layunin.
- Latest