Elvis Presley
Isa sa marubdob na pinapangarap ni Elvis ay maging best actor. Pangarap niyang maging next James Dean sa Hollywood. Dahil dito, na-obsess siya kay James Dean.
Ang pelikulang Rebel Without A Cause kung saan bida si James Dean at Natalie Wood ay paulit-ulit niyang pinanood. Bunga nito, na-memorize ni Elvis ang lahat ng dayalog ni James sa nabanggit na pelikula.
Ang feeling niya’y hindi sapat ang mga roles na ibinibigay sa kanya para maging mahusay na actor. Naisip niyang makipagkaibigan kay James para ito mismo ang magbigay ng tips sa kanya tungkol sa mahusay na pag-arte.
Para matupad ang ilusyong ito, kailangan niyang makipagkaibigan sa mga kaibigan ni James para maging tulay tungo sa kanyang super idol.
Una niyang kinaibigan si Natalie Wood na noon ay close friend ni James. Hindi lang naging “close” si Elvis kay Natalie, naging magkarelasyon pa sila. Kaso, hindi pa man siya napapalapit kay James ay umasim na ang kanyang relasyon kay Natalie.
Minsan ay naisipan ni Natalie na dumalaw sa bahay ni Elvis kung saan nakatira rin doon ang ina nito. Ang problema’y dominante at selosa ang nanay ni Elvis. Ayaw niyang mawala sa kanyang piling ang anak na sikat. Binastos ng ina si Natalie at tahasang pinalayas sa bahay.
Naipagtapat ni Natalie sa kanyang kapatid na pagkanta lamang ang kayang gawin ni Elvis, maliban doon ay wala na itong talent sa ibang larangan.
Pangalawang kinaibigan ni Elvis si Nick Adams na matalik na kaibigan ni James Dean. Sa sobrang obsession ni Elvis na mapalapit kay James Dean, pumayag itong magkaroon ng sexual relationship kay Nick Adams na isang gay.
Ang tsismis na ito ay nadagdagan pa nang pumanaw si Nick Adams. Diumano, nagkaroon ng sexual relationship si Nick hindi lang kay Elvis kundi pati kay James mismo.
Ngunit hanggang sa namatay si James Dean mula sa malagim na aksidente, bigong makilala nang personal ni Elvis ang kanyang idolo.