^

Punto Mo

Mayang (116)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHAN-DAHAN ang ginawang paglapit ni Mayang sa gate kung saan, naririnig niya ang kaluskos at ang tila tunog na may nilalagaring bakal.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa latigong bagin. Kapag may du­maluhong sa kanya, lalatiguhin niya.

Kinapa niya ang nakakuwintas na pangil ng baboydamo. Hinipo ang mismong pangil.

Sabi ni Lolo Nado, ang sinumang may suot ng kuwintas ay iniiwasan ng mga masasamang tao. Kinatatakutan ito at agad daw lalayo ang mga magtatangka.

Dahan-dahan pa rin si Mayang sa paglalakad patungo sa gate. Kailangang mahuli niya sa akto ang mga may ginagawa sa gate.

Humanda kayo!

Nang may isang metro na lamang ang layo niya sa gate, biglang nawala ang ingay. Tumahimik. Nawala ang ingay na parang may nilalagari.

Naramdaman kaya ang paglapit niya?

Naamoy kaya na may ­taglay siyang agimat?

Nagpasya si Mayang na biglang buksan ang gate. Inalis niya ang kandado sabay bukas.

At nakita niya ang dalawang lalaki na mabilis na tumatakbo palayo.

Nagsisigaw si Mayang.

“Magnanakawwww! May magnanakaww! Tulungan n’yo ako! Tulonggg!’’

Sa malakas na sigaw ni Mayang ay nagising ang mga kapitbahay. Ang ilan ay may bitbit na pamalo at itak.

“Nasaan ang magnanakaw, Mayang?” tanong ng lalaking kapitbahay.

“Nagtatakbo sila roon! Dalawa sila!”

Agad hinabol ang dalawang lalaki.

Pero hindi na inabutan ang mga ito.

“Nakilala mo ba Mayang?”

“Hindi po!”

“Nakapasok ba sa bahay?”

“Narito sila sa gate. Narinig kong nilalagari itong bahagi ng gate.’’

Nang tingnan ang gate, malapit nang mabutas ang bahagi nito. Kung hindi nagising si Mayang, baka nakapasok na.

(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with