‘Ahas’ (Part 9)
BUONG tapang na hinawakan ng classmate kong si Romano ang buntot ng ahas at inihagis ito palabas ng kubo.
Ako sa labis na pagkabigla ay nakatingin lamang na parang wala sa sarili. Kung ano ang naramdaman ko noong una at pangalawa kong encounter sa ahas ay ganundin ang naramdaman ko.
Bakit kaya ako lapitin ng ahas?
Bakit lagi na lamang akong nakakaranas na makakita at makahipo ng ahas?
Anong pangitain ito?
Bakit laging may ahas sa pinupuntahan ko?
“Huwag ka nang matakot, Mary Grace,’’ sabi ni Romano matapos ihagis sa labas ang ahas.
Lumapit naman si Cora at hinaplos ang aking likod.
“Kalma na Mary Grace. Wala na ang ahas. Mabuti na lang at kasama natin si Romano. Kung tayo lang dalawa, naku baka nagsisigaw na lang tayo sa takot.’’
“Huwag kayong magpapanic. Hindi naman nangangagat ang ahas kung hindi sila nasasaktan,’’ sabi ni Romano.
“Maraming salamat at nasaklolohan mo ako Romano,’’ sabi ko.
“Okey lang yun. Basta ikaw lagi akong nakasaklolo.”
Napatingin si Cora kay Romano at pagkatapos ay sa akin.
(Itutuloy)
- Latest