^

Punto Mo

Pinakamatandang choir sa mundo, opisyal na kinilala ng Guinness World Records

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

OPISYAL na kinilala ng Guinness World Records ang Prime ­Timers, isang British choir na binubuo ng 17 members na may average na edad na 94, bilang pinakamatandang choir sa buong mundo.

Ang Prime Timers ay may mga miyembrong nasa edad na 87 hanggang 99, at nagkaroon sila ng Christmas concert noong December 19, 2024 sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza Hotel sa U.K.

Sa harap ng isang opisyal mula sa Guinness World Records, pinarangalan sila ng kanilang world record matapos ang kanilang concert.

Ang mga miyembro ng choir ay pawang residente ng pitong care homes na pinamamahalaan ng Runwood Homes na nakabase sa Stratford-Upon-Avon.

Bukod sa kanilang mga edad, napukaw nila ang damdamin ng mga manonood sa kanilang dedikasyon at talento.

Nag-perform din ang kilalang mang-aawit na si Tony Christie, na sumali sa Prime Timers para sa mga awiting “Amarillo” at “Silent Night,” na nagdagdag ng saya at inspirasyon sa gabi ng konsiyerto.

Isang mahalagang paalala ang tagumpay ng Prime ­Timers na ang musika ay walang pinipiling edad, at ang talento ay maaaring umunlad anuman ang yugto ng buhay.

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with