‘Skeletons in the closet’ ng mga kilalang tao (Part 2)
Adolf Hitler:
Nang maging chancellor of Germany si Adolf Hitler, hindi siya nagbayad ng tax na nagkakahalaga ng 405,500 million Reichsmarks (kasinghalaga ng 6.3 million US dollars sa panahong ito).
Sa kabila ng hindi pagbabayad, si Hitler ay pinatawad ng gobyerno. Ang opisyal na nagpatawad sa kanyang tax debt ay “ginantimpalaan” ng 6,000 Reichsmarks per month, isang napalaking halaga ng panahong iyon dahil ang suweldo ng mga guro noong panahong iyon ay 4,800 Reichsmarks per annum.
Albert Einstein:
Si Einstein ay diniborsyo ng kanyang unang asawa dahil sa kataksilan. Ang kanyang pangalawang pinakasalan ay ang pinsang si Elsa. Habang nagsasama sila ni Elsa ay nakikipag-affair din siya sa kanyang sekretarya na si Betty Neumann.
Sa kasalukuyan ay hawak ng Hebrew University ng Jerusalem ang hindi mabilang na love letters ni Einstein mula sa iba’t ibang babae. Mula sa mga love letters na nabanggit, napatunayang nakipagrelasyon si Einstein sa anim na babae habang nagsasama sila ni Elsa. Hindi lang binanggit kung sabay-sabay na naging kabit ang anim na iyon or one at a time.
Si Margot, anak ni Einstein kay Elsa ang nakatuklas ng 1,400 love letters na itinago ng ama. Ibinigay ang mga iyon ni Margot sa Hebrew University. Ngunit may pakiusap ito sa mga taga-unibersidad na ilalabas lang sa publiko ang mga liham kung patay na siya. Namatay si Elsa noong July 8, 1986.
Next: Thomas Jefferson at Winston Churchill
- Latest