(Part 7)
“HUWAG ka nang matakot at wala na ang ahas, Mary Grace,’’ sabi ni Cora at patuloy na hinaplos ang aking likod.
Sa lahat ng mga kaklase ko, si Cora ang tangi kong naging kaibigan. Magkaklase kami ni Cora mula Grade 1 hanggang Grade 6 kaya naman matibay ang pagkakaibigan namin. Lagi kaming magkasama kung saan-saan. Kapag may umaaway sa akin na kaklase namin ay tinutulungan ako.
Kaya itinuring ko ng parang kapatid si Cora.
“Kapag kukuha ka uli ng basahan sa likod ng pisara ay silipin mo muna Mary Grace. Baka ahas na naman ang madampot mo.’’
“Ayaw ko nang matoka na tagalinis ng pisara. Sa pagpupunas na lang ng mga silya at table ni Mam ang gagawin ko. At magdadala ako ng sariling basahan.’’
“Mabuti pa.’’
“Talagang takot na takot ako kanina. Akala ko mamamatay na ako.’’
“Maputlang-maputla ka nga kanina. Awang-awa ako sa’yo Mary Grace.’’
“Bakit nga kaya lagi akong nakaka-encounter ng ahas?’’
“Baka anak ka ni Zuma, he-he!’’
Kinurot ko sa tagiliran si Cora. Napaiktad si Cora.
Nang mag-high school kami ay classmate pa rin kami ni Cora. Dahil pareho kami may itsura, kami ang lagi nang crush ng mga classmate naming lalaki.
(Itutuloy)