^

Punto Mo

Puwede bang mag-resign kahit may utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po kaya mag-resign kahit may loan ako sa ­company? May malilipatan po kasi ako na may malaking offer sa akin. Kung papalampasin ko po at mag-stay sa trabaho ko ngayon ay baka hindi na ako makaahon sa mga utang ko.  —Jeff

Dear Jeff,

Malayang mag-resign ang isang empleyado. Ang pagre-resign ay isang boluntaryong gawain kaya maari itong gawin ng empleyado anuman ang kanyang dahilan dahil hindi naman puwede ang involuntary servitude o pagpilit sa sinuman na magtrabaho ng labag sa kanilang kalooban.

Kaya ukol sa tanong mo na kung puwedeng ka bang mag-resign ay oo, maari kang mag-resign.

Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na ligtas ka na sa iyong mga obligasyon. Tandaan na ang tinatapos lamang ng resignation ay ang employee-employer relationship.

Kailangan pa ring panagutan ng nag-resign na empleyado at ng kanyang dating employer ang mga natitirang obligasyon nila sa isa’t isa, katulad ng mga hindi pa nababayarang utang.

Hindi mabubura ng resignation mo ang kung anumang obligasyon mo sa iyong employer ukol sa inutang mo kaya kahit hindi ka na empleyado ay kailangan mo pa rin bayaran ito alinsunod sa inyong napagkasunduan.

Kung hindi mo bayaran ay hindi magiging balakid ang pagre-resign mo para ikaw ay habulin at idemanda ng iyong kompanya para ikaw ay pagbayarin at mapanagot sa iyong mga hindi tinupad na obligasyon.

Kaya pinakamabuti kung liliwanagin mo muna sa iyong employer kung paano mo mababayaran ang pagkakautang mo kung ikaw ay magre-resign na, para wala ng isyu kapag ikaw ay tuluyan nang umalis sa trabaho.

DEBT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with