Pasugalan ni Zyvil, ayaw ni Mayor Abby!
Bumaha sa Metro Manila kahit abo’t langit ang pagsisigaw ng PAGASA na wala namang ulan. Paano? Kaya naman bumaha sa Kamaynilaan dahil nag-iiyakan ang mga players sa sobrang itinaas ng weekly “timbre” nila sa Bicutan. Hamakin mo ba naman, mula sa P40K ginawang P70K ang lingguhang payola nila, at sino ba naman ang hindi iiyak n’yan? Kaya luhaan na nagsarahan ang mga ‘players’ na hindi kaya ang tara na iginawad sa kanila ng mga tong collectors. May iba namang, minabuting mag-gerilya na lang tulad noong kasagsagan ng “no take policy” ni ex-NCRPO chief Maj. Gen. Tateng Nartatez. Ang katwiran nila, liliit nga ang kubransa nila, eh wala naman silang inaasikasong intelihensiya.
Kung may luhaan sa mga players, humahalakhak naman i alyas Zyvil, ang middleman-kabo ng financier na si Tisay Poblete ng Maynila. Kung hindi kaya ng mga kasamahan n’ya ang weekly tara ng Bicutan, sisiw lang ito kay Zyvil na gustong solohin ang palarong EZ2, lotteng, at ending sa tribu ni Makati City Mayor Abby Binay. Sa kaso naman ng horseracing, puro gadgets na ang gamit ng mga kubrador ni Zyvil, dahil delantera ito at madaling hulihin. Kung sabagay, walang OTB at STL sa Makati City dahil ayaw ni Mayor Abby talaga ng sugal-lupa. Kung may lotto outlets man, limitado lang ito. Dapat ipahuli ni NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin ang mga palaro ni Zyvil para maisama sa accomplishments n’ya sa Able, Active at Allied na programa niya.
Ayon sa mga kosa ko, si Zyvil ay nakabase sa JB Roxas St. sa Bgy. Poblacion. Ang permanent address nito ay sa Mandaluyong City. Ang malaking kubrador ni Zyvil at ang security guard na si alyas Flores, na ang sakop ay ang tatlong building sa Makati Ave. Ang base niya ay sa may sari-sari store sa tabi ng Wendy’s. Hayan, hindi na mahihirapan ang mga taunan ni Aberin na kornerin ang puwesto ni Flores. Ang sistema naman ng kubrador na si alyas Caring at asawang tricycle driver ay celfone at gadgets ang gamit. Kapag wala ka nito, mga suki nilang mag-asawa ay pinapunta sa bahay nila sa may Poblacion market para tumaya. Ang iba pang kubrador ni Zyvil, Gen. Aberin Sir. ay sina Totoy sa Constancia St., Sense sa Bgy. Olympia. Nagkalat din ang mga kubrador niya sa Bgys. Valenzuela, Tejeros, Sta. Cruz, Carmona, La Paz, San Antonio, Singkamas, Guadalupe Nuevo, at Guadalupe Viejo. Anong ginagawa ni Makati police chief Col. Jean dela Torre sa palaro ni Zyvil? Kung sabagay, malaki ang intel funds ni Mayor Abby sa lokal na PNP kaya hindi na nito pinapansin ang palaro ni Zyvil. Ayaw ni Mayor Abby n’yan.
Kapag may nagpataya sa sakop niya at hindi nagpapasok sa kanya ng kubransa, lagot at tiyak ipapahuli ka ni Zyvil sa mga kaibigan niyang pulis Makati.
Congrats pala sa extension ni Gen. Marbil! Abangan!
- Latest