Hindi ako nakakilos dahil sa pagkabigla. Mas matindi ang naranasan kong shock kaysa noong una akong makayapak ng ahas sa damuhan.
Damang-dama ko kasi ang lamig ng katawan ng ahas na nagtatago sa likod ng pisara. Ang pinagpapasalamat ko, hindi ako kinagat ng ahas.
Tinawag ng aking mga classmate ang taong nangangalaga sa buong school—si Mang Temyong.
“Nasan ang ahas?” tanong ni Mang Temyong.
“N-nasa l-likod po n-ng p-pisara!’’ sabi kong nangangatal sa takot.
“Kinagat ka ba?’’
Umiling ako.
Dahil bahagyang nakadikit ang pisara sa pader, binaklas ni Mang Temyong ang pisara para makuha ang ahas.
Nang mabaklas, natagpuan ang ahas na kasinglaki ng braso ng sanggol at may habang kalahating metro. Itim na itim ito! (Itutuloy)