“Ano po yun Lolo Nado?’’
“Sandali lang Mayang at kukunin ko.”
Tumayo si Lolo Nado at tinungo ang silid. Nang lumabas ay hawak nito ang isang tila latigo na may isang dipa ang haba.
“Ano po yan?’’
“Ito ay uri ng bagin na tinatawag na bulakan. Pinatuyo ko at dinasalan. Mahusay itong panghagupit. Bawat tamaan ng hagupit nito ay nawawalan ng malay. Epektibo ito. Lagi mong itabi sa pagtulog para mabilis mong makukuha.’’
“Lalatiguhin ko po ang sinumang gagawa nang masama sa akin, Lolo?’’
“Oo.”
Inayos ni Lolo Nado sa supot na pula ang mga agimat na ibibigay kay Mayang pati ang latigong bulakan.
“Huwag mo lang kalilimutan na dasalan ang mga ito. Nasa supot ang mga dasal na sasambitin mo. Tuwing Biyernes mo dadasalan.’’
“Opo Lolo Nado.’’
“Dadalaw ako sa inyo para makibalita.’’
Nagpaalam na si Mayang sa matanda.
(Itutuloy)