Mayang (111)
Isang hugis pangil na kulay puti ang inilabas ni Lolo Nado mula sa supot na pula. Sa tingin ni Hiyasmin ay pangil ng baboyramo ang hawak ni Lolo Nado.
“Ito ang kailangan mo, Mayang. Kayang-kaya mong labanan ang mga sinasabi mong mga taong nagtatangka sa iyo.’’
“Ano po yan, Lolo?’’
“Pangil ito ng barakong baboyramo na ayon sa aking ama ay nahuli niya noong siya ay binata pa. Nahirapan siyang hulihin ang baboyramo pero dahil determinado siyang mahuli at makuha ang pangil, nakuha niya. Iningatan niya. Kuwento ng aking ama, walang sinuman ang nagtangkang kalabanin siya o kaya’y awayin dahil sa pangil na ito. Umiiwas ang mga nagtatangka. Ikinukuwintas niya ito.
“Mula nang ipagkaloob ito sa akin ni Ama, talagang epektibo na walang magtangkang gumawa ng masama sa akin. Tiklop lahat sila.
“Ipagkakaloob ko ito sayo, Mayang.’’
“Salamat po Lolo.’’
Muling dumukot sa supot si Lolo.
Isang pulang bato ang kanyang nadukot.
“Ano po yan, Lolo?’’
“Eto ang magliligtas sa iyo para hindi ka masugatan. Kahit pa saksakin ka, hindi tatalab sa iyo. Maaring pagtangkaan kang patayin habang natutulog kaya mahusay na proteksiyon ito.’’
“Tamang-tama po Lolo ang mga agimat na ‘yan.’’
“Pati ang anak mong si Jeffmari ay bibigyan ko.”
“Salamat po Lolo.’’
“Hindi ko kayo pababayaan. Nasabi ko yan kay Jeff noon. Kahit man lang sa mga agimat na ito e makatulong ako.’’
“Salamat po.’’
“Meron pa akong ibibigay Mayang.’’
(Itutuloy)
- Latest