Babae na kayang dumurog ng pakwan gamit ang mga hita, nakatanggap ng Guinness World Record!
Isang babae sa Turkey ang gumawa ng kasaysayan matapos durugin ang limang pakwan gamit lamang ang kanyang mga hita sa loob ng 60 seconds.
Sa isang video na ibinahagi ng Guinness World Records, makikita si Gozde Dogan na maingat na umuupo sa pagitan ng dalawang hanay ng mga pakwan, isa-isang kinukuha ang mga ito at mabilis na dinudurog gamit ang kanyang hita.
Pagkatapos ng tagumpay, iginawad sa kanya ang plake bilang pagkilala, at tinawag siyang “kamangha-mangha.”
Siya ang kauna-unahang babae na nakatanggap ng titulong “Most watermelons crushed with the thighs in one minute (female)”.
Noong 2017, isang lalaking Iranian na si Ashkan Rohollah Doshmanziari ang unang nagpasikat sa ganitong uri ng kakayahan nang durugin niya ang tatlong pakwan sa pinakamabilis na oras.
- Latest