^

Punto Mo

Kapaki-pakinabang na kaalaman

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang nananatili sa ating memorya: 90 percent ng ating ginawa, 50 percent ng ating nakita, at 10 percent ng  ating narinig.

• Mas “fake” ang isang tao, mas nagiging malawak ang kanyang circle of friends. Mas nagpapakatotoo ang isang tao, mas maliit ang kanyang circle of friends. Kaya lang dahil “fake” siya, malamang na marami rin siyang “fake friends”.

• Pistanthrophobia ang tawag sa takot magtiwala sa ibang tao dahil sa masamang karanasan sa nakalipas na pakiki­pagrelasyon.

• Iwasang muling kaibiganin ang isang taong sumira ng iyong pagkatao, relasyon at nagnakaw ng iyong pera. Ang ahas ay nagpapalit-balat dahil isa na siyang malaking ahas.

• Ang paliligo at paglilinis ng katawan ay nakakabawas ng anxiety dulot ng isang nakaka-stress na pangyayari na naranasan.

• Halimbawa, hatinggabi na nang dumating ang iyong anak na babae at nadatnan ka niyang nagpa-panic or hysterical sa sobrang pag-aalala. Malalaman mo kung narcissist ang iyong anak na babae kung siya pa ang may ganang mainis at pagbibintangan ka pa na kinokontrol mo siya. Ang karaniwang iisipin ng anak na logical mag-isip ay nag-aalala ka lang sa kanyang kaligtasan kaya ka nagpa-panic.

• Ayon sa namayapang Hollywood actor na si Heath Ledger: Ang iyong tagahanga ay madalas na mga taong hindi mo kakilala. Samantalang ang iyong number one hater/basher ay madalas na taong kakilala mo.

• Ang masamang karanasan  sa mga unipormadong tao kagaya ng pulis or sundalo ay kahalintulad ng epekto na ikaw ay nagkaroon ng traumatic brain injury.

 

 

MEMORY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with