‘Ahas’ (Part 2)

MADULAS ang natapakan ko sa damuhan!

Sa sobrang pagkagulat, napatalon ako nang napakalayo. Iyon ang napakalayong distansiya na natalon ko.

“Ahassss! Ahaasssss!’’

Sa lakas ng sigaw ko, narinig ako ng isang lalaki na nag-aararo sa di-kalayuan. Mabilis na nagtungo ang lalaki sa kinaroroonan ko.

“Bakit Ineng? Ba’t ka sumigaw?” tanong ng lalaki na may nakasukbit na itak sa baywang,

“M-may a-ahas po! N-natapakan ko!’’ sabi kong nangangatal sa takot.

“Saang lugar? Ituro mo!’’

“Dun po sa damuhan!”

Tinungo ng lalaki ang tinuro ko.

Hinanap. Ilang ulit niyapakan ang damuhan.

“Wala naman. Dito ba?’’

“O-opo!’’

Ilang ulit nilakaran ng lalaki ang damuhan. Wala.

“Nakatakas na ang ahas! Wala na rito.’’

“Malaki po ang katawan at ang dulas!”

“Anong kulay?”

“Pula po!’’

“Kobra!’’

Hindi ako makapagsalita.

“Halika at ihahatid kita sa inyo. Nangangatog ka pa.”

“Salamat po.” (Itutuloy)

Show comments