^

Punto Mo

EDITORYAL — KFR activities lumulubha na

Pang-masa
EDITORYAL — KFR activities lumulubha na

DUMARAMI ang kaso ng pangingidnap ngayon at saka ipatutubos. Kapag hindi nagbayad ng ransom ang kaanak ng biktima ay papatayin ito. Ang mga nangyayaring pangingidnap ay halos katulad ng mga nangyari noon na pawang mga negosyanteng Chinese ang target. Pinatutubos nang malaking halaga.

Mismong ang Philippine National Police (PNP) ang nagsabi na may mga grupo sa Maynila, Bulacan at Calabarzon ang nasa likod nito. Ang pangingidnap sa mga negosyante ay inihayag ni Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jean Fajardo noong Sabado.

Sabi pa ni Fajardo, malaki raw ang posibilidad na ang gumagawa ng pangingidnap sa mga negosyante ay ilang Chinese nationals na dating nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.

Habang nagsasagawa ng pag-iimbestiga ang PNP sa mga nagaganap na kidnapping, naaresto naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspect na dumukot at pumatay sa isang negos­yante noong nakaraang linggo na ang bangkay ay natagpuan sa San Jose Del Monte, Bulacan. Kinilala ang ­negosyante na si William Pascara, Sr. 62, na nawala noong Enero 5 habang sakay ng kanyang Toyota Innova habang patungo sa kanyang fish farm sa  Calauan, Laguna. Nang hapon ng araw na iyon, nakatanggap ng tawag ang anak ng biktima na nagpapa-transfer ng P100,000 sa E-wallet nito. Ayon sa anak, P79,000 lamang ang naipadala nila. Inamin ng mga suspek na pinatay nila ang biktima at inilibing sa  Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ganito katindi ang mga kidnappers na pinapatay ang kanilang biktima kahit nakapagbigay na ng pera ang kaanak. Nararapat kumilos nang mabilis ang PNP upang mabuwag ang grupo ng KFR.

Kung totoo naman ang sinabi ni General Fajardo na luminya na sa kidnapping ang mga dating operator ng POGOs, dapat doblehin pa nila ang pagtatrabaho upang madakma ang mga ito.

Noon pang Disyembre 31 nagtapos ang taning laban sa POGOs. Marami umano sa mga dating empleyado ng POGOs ang nagtayo ng panibagong online gaming at nakikipagsabwatan sa mga korap na government officials para maipagpatuloy ang gawain. Mga resort at restaurant ang ginagawang front ng mga ito.

Paigtingin ng PNP ang paglambat sa mga dating POGO operators na ngayon ay lumilinya sa kidnapping. Huwag nang hayaan na makagawa pa ng mga kabuktutan ang mga dating manggagawa ng POGO na pawang Chinese. Durugin ang mga ito!

KIDNAPPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with