Katampalasanan sa Diyos at kalikasan, nagbunga na!

NAGULANTANG ang buong mundo sa halos isang linggong mala-delubyong sunog na sumalanta sa hanay ng mga bahay ng mayayaman at sikat na celebrities sa Los Angeles, California U.S.A.,. Isang bangungot na salubong ng 2025!

Tinitingala sa buong mundo ang U.S. sa kahusayan sa teknolohiya at modernong imbensiyon at pamamaraan sa halos lahat ng bagay. Sa pagpuksa lang ng apoy sila may kahinaan.

Habang pinanonood natin ang sunog sa Los Angeles ay may babala naman ang PAGASA sa ating mga kababayan sa MIMAROPA, Central Visayas at Quezon province sa posibleng flash floods at landslide na maaring idulot nang malalakas na ulan sa susunod na mga araw.

Hindi na panahon ng tag-ulan pero may banta pa rin ng delubyo ng baha at landslides dahil kulang tayo sa flood control program na pinondohan naman ng Kongreso. Sana naman ay hindi kasama sa nasunog sa Los Angeles. He-he-he!

May mga haka-haka kasi na may mga pulitiko rin tayo na may bahay sa lugar na nasunugan na hindi nagdedeklara. O baka naman nakapangalan lang sa iba. Di kaya?

Ipagdasal natin ang mga residenteng nagsikap na makapagpundar ng tahanan sa lugar ng nasunugan sa mahabang panahon na nilamon lamang ng apoy sa maikling oras. Nadamay lang ang marami sa kanila sa ganti ng kalikasan na ibinunga ng kapalaluan. Am I correct Golden Globe Award Night Host Ms. Nikki Glaser?

Tinuran ni Comedian Nikki Glaser na ang lugar ng Los Angeles ay “Land of the Godless People” na itinuturing ng mga Kristiyano at Muslim na isang masamang biro. Atheists o mga taong walang kinikilalang Diyos lamang ang pumalakpak at natuwa sa isinigaw ni Nikki Glaser. Marami sila noong gabing ‘yun. Homeless people na kaya sila ngayon?

Ipagdasal po natin ang mga kababayan natin sa Los Angeles, California.

Show comments