‘Panyo’

(Last part)

NAMANGHA si Anna Marie sa mga ikinuwento ko na may kaugnayan sa puting panyo na ibinigay niya.

“Maraming suwerte na ibinigay sa akin ang panyong ito, Anna Marie.’’

“Hindi ako makapaniwala, Emmanuel.’’

“At alam mo kung ano ang pinaka-latest na suwerte na dumapo sa akin na hatid ng panyong ito—na sa pakiwari ko ay pinakamahalaga at walang katulad?’’

“Ano Emmanuel?”

“Nakilala kita! Nadarama ko na mahal na mahal kita, Anna Marie.’’

“Ang bilis mo naman. Kanina lang tayo nag-meet e mahal na mahal mo agad ako?”

“’Yan ang tunay kong nadarama, Anna Marie.”

“Sige na nga. Yan din ang nadarama ko Emmanuel.’’

Para akong nasa ulap ng mga sandaling yun.

Talagang masuwerte ang panyo. Nag-iisang anak si Anna Marie. Mayaman ang pamilya nila sa isang probin­siya sa Southern Tagalog. Ako ang namahala sa kompanya ng pamilya na sa katagalan ay pinamana sa amin.

Hanggang nga­yon, gina­gamit ko pa ang masu­­­werteng panyo.

Show comments