Mayang (105)

 

==NAKIRAMDAM si Mayang. Pinakinggan niya kung sa gate nanggagaling ang narininig niyang kaluskos.

Nang kumaluskos, natiyak niyang sa gate nga galing.

Tao kaya ang may likha ng kaluskos?

Maraming pusa na gumagala sa gabi at kadalasang sa gate nakatambay. May mga asong gala rin na sa gate naghaharutan.

Nang hindi tumigil ang kaluskos, bumangon si Mayang. Dahan-dahan siya sa pagkilos at baka magising ang anak na si Jeffmari na katabi niya sa pagtulog.

Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang bintana. Sinilip kung may tao sa gate.

Wala naman siyang nakita.

(Itutuloy)

Show comments