Pagkaubos ng pipino sa Iceland, nagsimula sa TiTok video!
ISANG simpleng cucumber salad recipe mula sa Canadian TikTok influencer na si Logan Moffitt ang nagdulot ng hindi inaasahang shortage ng pipino sa Iceland. Ang recipe, na nagtatampok ng ginadgad na pipino, sesame oil, rice vinegar, bawang, at chili oil, ay mabilis na sumikat matapos gayahin at ibahagi ng mga Icelandic influencers. Dahil dito, nadoble ang bentahan ng pipino sa mga supermarket, kasabay nang pagkaubos ng iba pang sangkap sa recipe.
Ayon sa Horticulturists’ Sales Company (SFG), ang samahan ng mga magsasaka sa Iceland, hirap silang makasabay sa biglaang demand ng pipino. Dagdag pa rito, ang pagbabalik-eskuwela ay nagdulot ng karagdagang pressure sa suplay. Bilang solusyon, kinailangan ng Iceland na umangkat ng pipino sa Netherlands.
Bagamat pansamantala lamang ang kakulangan, ipinakita ng insidenteng ito kung paano maaaring magkaroon ng malaking epekto ang isang viral na social media trend sa supply chain ng pagkain, lalo na sa maliit na bansang tulad ng Iceland.

KAGILA-GILALAS Arnel Medina

- Latest