‘Panyo’ (Part 12)

“ANO ang tungkol sa panyo, Emmanuel?’’ tanong ni Anna Marie matapos akong titigan nang matagal.

“Ang binigay mong panyo sa akin, apat na taon na ang nakararaan ay hindi sa akin.’’

Napakunot ang noo ni Anna Marie. Hindi maintindihan ang ­aking sinabi.

“Paanong hindi sa’yo, Emmanuel? Kitang-kita ko nang mahulog sa bulsa mo ang panyo. Hindi ako maaring magkamali.’’

“Hindi iyon sa akin. Ang ibinigay mong ­panyo ay mamahalin. Ang mga panyo ko ay mumurahin lang na binili sa Divisoria.”

“Paano nangyari yun? Talagang nakita ko na nalaglag sa iyo ang panyo.’’

“Hindi sa akin ang panyo.”

“Puwedeng makita ang panyo?’’

(Itutuloy)

Show comments