^

Punto Mo

Best pieces of advice

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung alam mo namang magaling ka sa iyong trabaho, at hindi ka pasaway na empleyado pero lagi ka pa rin pinag-iinitan ng iyong boss, umpisahan mo nang maghanap ng bagong trabaho saka mag-resign. Kapag mainit sa iyo ang dugo ng nakatataas sa iyo, malabo pa sa tubig kanal na ikaw ay ma-promote, kahit gaano ka pa kagaling. Huwag mong aksayahin ang iyong time and energy sa mga taong ayaw sa iyo.

• Kung may ginawa sa iyong hindi maganda ang isang tao at nag-sorry sa iyo, huwag sasagot ng “no problem”, sa halip sagutin ito ng “thank you” at dugtungan ng “huwag mo nang uulitin”. Malaki ang tsansang hindi na siya uulit kaysa kung ang isasagot lang ay “no problem”.

• Huwag mong tangkain na baguhin ang masamang ugali ng mga taong nakakasalamuha mo dahil imposible itong mangyari. Ang pag-aralan mo ay kung paano mag-react nang kalmado sa masamang inuugali nila sa iyo.

• Kung ikaw ang kumain ng last piece ng isang pagkain, ikaw dapat ang magtapon ng package nito.

• Huwag mong basagin ang pantasya ng isang bata tungkol kay Santa Claus, tooth fairy, magic wand, etc. Hayaan mong sila ang makatuklas ng katotohanan paglaki nila.

• Iwasang mag-propose sa nobya sa wedding ng ibang tao. Moment nila ‘yun. Huwag mong agawin. Kahit pa wedding iyon ng iyong immediate family.

• Kung totoong may gusto ang isang tao sa iyo, mararamdaman mo iyon nang 100 percent sigurado. Ngunit kung wala naman siyang gusto sa iyo, diyan ka malilito kung may gusto ba  o wala sa iyo.

• Kung ang kapalit ng pangangalaga mo sa iyong pagkababae ay paglayo ng lalaking mahal mo, hayaan mong mangyari ‘yun. Lalayuan ka rin niya kapag may nabuo riyan sa tiyan mo.

 

ADVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with