‘Panyo’

(PART 10)

MULA nang itago ko ang panyo na napulot ng tsinitang babae, sinuwerte ako sa pag-aaral at maraming nakuhang awards. Naging top din ako sa klase. Kumukuha ako ng BSC major in accounting. Sa totoo lang dahil sa matataas ang grades ko ay naging scholar ako.

Naalala ko, kapag mayroon kaming ­exams, lagi kong dinadala ang puting panyo na napulot ng tsinitang estudyante.

At habang nasa bulsa ko ang panyo ay para bang may kapangyarihan ito na nagpapaalala sa akin ng mga isinaulo ko kaugnay sa exam. At dahil dun, napi-perfect ko ang exam.

Malaki ang paniwala ko, na may dalang suwerte ang panyo.

Nag-graduate ako na may mataas na karangalan.

Hanggang sa dumating ang pagrerebyu ko para sa accounting board exam.

Isang araw na galing ako sa review center, nakatawid na ako sa kalsada nang makita ang babae na hindi ko maaring makalimutan—ang babaing nagbigay sa akin ng puting panyo.

Hinintay kong makatawid ang babae.

Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito!

(Itutuloy)

Show comments