^

Punto Mo

Pinakamalaking sandals sa buong mundo, ginawa ng isang Nigerian fashion designer!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAHANGA ni Liz Sanya, isang baguhang fashion designer mula Nigeria, ang mundo ng fashion matapos likhain ang isang sandals na may sukat na 4.8 meters (15 feet and 9 inches).

Ang obra na naka-exhibit ngayon sa Lagos, Nigeria ay natapos buuin sa loob ng 72 oras. Sa ngayon ay isinumite ang mga litrato at video ng paggawa nito sa Guinness World Records para sa titulong “Biggest Sandals in the World”.

Ang proyekto, na ginanap mula Enero 2-4, ay layong mahigitan ang kasalukuyang record ng isang grupo ng mga artists mula Mexico.

Bata pa lang, likas na ang pagmamahal ni Liz sa pagdidisenyo ng sapatos, at sa edad na 14, nagbebenta na siya ng sarili niyang gawa.

Ginamit niya ang proyektong ito upang ipakita ang kanyang talento at pagbabalik sa kanyang pinagmulan—ang Ibadan at Lagos.

Inaabangan ngayon kung kikilalanin ang higanteng sandals ni Liz bilang bagong record sa kasaysayan.

FASHION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with